Mga dapat kong pahalagahan sa mga konseptong pangwika?

Katanungan Sagot

Katanungan

mga dapat kong pahalagahan sa mga konseptong pangwika?

Sagot verified answer sagot

Ang dapat pahalagahan sa mga konseptong pangwika ay ang wikang pambansa, wikang rehiyunal, lalawiganin, wikang pampanitikan, pabalbal o kolokyal, teknikal na wika, at patay na wika. Ang wika ay midyum na ating ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.

May mga konsepto ito na marapat pahalagahan ng bawat indibidwal upang sa gayon ay magamit at mapaunlad ito ng tama. Ang mga sumusunod ay mga konseptong pangwika na dapat nating pahalagahan; una, wikang pambansa- ang wikang ito ang pinakmalawak sa lahat sapagkat ito ang isa sa mga wikang ating ginagamit upang maunawaan ang mga tao sa iba’t ibang panig n gating bansa.

Ikalawa, wikang rehiyunal- ito ay tumutukoy sa wikang sinasalita ng mga taong naninirahan sa iisang rehiyon. Ikatlo, lalawiganin- ito ay ang taguri sa wika ng isang probinsiya.

Ikaapat, wikang pampanitikan- ito ay kadalasang ginagamit sa iba’t ibang uri ng literature upang maging mas maganda at kaibig-ibig sa mambabasa.

Ikalima, pabalbal o kolokyal- ang tawag sa wikang hindi pormal at kadalasang ginagamit sa kalye.Ika-anim, teknikal na wika- ito ay kadalasang ginagamit sa larangan ng agham at matematika.At ikapito,patay na wika- ito ay wikang ginamit noon na hindi na ginagamit ngayon.