Mga dapat tandaan sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa balita

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa balita?

Sagot verified answer sagot

Mga dapat tandaan sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa balitaNarito ang ilang bagay na dapat tandan sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa balita. Una, dapat ay makinig o ituon ang sarili sa pinakikinggan o binabasang balita.

Sa ganitong paraan ay makukuha ang tama at wastong impormasyon tungkol sa balita. Makasisiguro na hindi mapupulaan sa mga datos na ibibigay dahil karamihan sa mga balita ay puno talaga ng impomrasyon.

Ikalawa, dapat ay kunin ang magkabilang panig tungkol sa balita. Kadalasan, ang mga balita ay tumatalakay sa dalawang panig kaya naman ang pag-alam sa magkabilang panig ay makatutulong din upang mapuno ng impormasyon ang makukuha sa balitang nabasa o napakinggan mo.