Mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak?

Sagot verified answer sagot

Mga tagubilin at mahalagang tandaan sa pagsulat ng abstrak ay ang mga sumusunod: iwasan ang paglalagay ng mga numero o istatistika ang abstrak dahil hindi kailangan na masyado itong madetalye, gawing simple, diretso, at malinaw ang komposisyon ng mga pangungusap at huwag na maglagay ng kung anu-anong salita.

Maging masuri at obhetibo sa mga inilalagay, iwasan ang pagiging subhetibo upang hindi mahaluan ng kung anong emosyon hinggil sa isang pananaliksik, sa abtrak din matatagpuan ang deskripsyon ng isang pag-aaral, at kailangan ito ay maiksi ngunit malaman at komprehensibo ang mga punto dahil mahalagang parte ang abstrak sa mga pananaliksik o pagsusuri ng mga tao.