Mga epekto ng kalamidad sa pamumuhay ng tao?

Katanungan Sagot

Katanungan

mga epekto ng kalamidad sa pamumuhay ng tao?

Sagot verified answer sagot

Marami ang pwede maging epekto ng kalamidad sa pamumuhay ng tao. Nariyan ang pagkawala o pagkasira ng mga pananim na pangunahing pinagmumulan o pinagkukuhaan ng pagkain sa araw-araw.

Maaaring mawalan sila ng pagkakakitaan o kabuhayan dulot ng pagkawasak ng kanilang mga pananim. Kadalasan din ay nahihinto o naaantala ng kalamidad ang trabaho ng mga tao tulad na lamang sa tuwing magkakaroon ng bagyo.

Hindi rin mawawala ang pagsuspende ng mga klase kung hindi maganda ang panahon. Bukod pa dito ay maaaring masira ang tahanan ng mga tao, ganoon na rin ang kanilang mga ari-arian. At may mga pagkakataon din na madami ang nasusugatan o nasasawi dulot ng mga sakuna at kalamidad.