Mga impluwensya ng relihiyon sa politika

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang mga impluwensya ng relihiyon sa politika?

Sagot verified answer sagot

Mga impluwensya ng relihiyon sa politikaSa kasalukuyan, sa batas lalo na sa Pilipinas, sinasabing ang pamahalaan at ang relihiyon ay dapat may pagkakahati bilang mga institusyon.

Ngunit bago maipas ang batas na ito, una munang naging bahagi ng maruming politika ang relihiyon lalo na sa Pilipinas.

Ang 333 taong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas ay hindi naging madugo at mapang-api kung hindi dahil sa mga prayle o mga paring Espanyol na siyang humawak sa leeg ng mga Pilipino noon.

Sila ang maituturing na pinakamakapangyarihang bahagi ng lipunan noon. Ngayon naman, ang simbahan at mga pari ay tagapagpaalala naman sa mga mamamayan na pumili ng mga lider na mangangalaga sa kanila at hindi mang-aapi.