Mga ipinagmamalaking tanawin sa lalawigan ng Laguna?

Katanungan Sagot

2

Katanungan

mga ipinagmamalaking tanawin sa lalawigan ng laguna?

Sagot verified answer sagot

Ang bawat lalawigan sa buong Pilipinas ay may kanya-kanyang mga tanawin na kanilang ipinagmamalaki.

Sa Laguna, na dalawa o tatlong oras ang layo mula sa sentro ng Maynila, ay matatagpuan ang bahay, ngayo’y museo na, ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ito ay nasa bayan ng Calamba at talaga namang maraming mga tao ang pumapasyal dito, lalong-lalo na ang mga estudyante na nais matuto.

Ila pa sa mga pasyalan at tanawin na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna ay ang Pagsanjan Falls, kung saan nama’y tunay na nakakaaliw puntahan lalo na kapag tag-init. Patok rin ang Nagcarlan Underground Cemetery at ang bayan ng Paete mismo.