Katanungan
mga istrukturang itinayo ng mga amerikano para gawing sanayan ng mga sundalo at imbakan o arsenal ng mga kagamitang pandigma nila?
Sagot
Ang mga istrukturang itinayo ng mga Amerikano para gawing sanayan ng mga sundalo at imbakan o arsenal ng mga kagamitang pandigma nila ay tinatawag na base militar.
Ang base militar ay isang klase ng pasilidad na itinayo ng mga dayuhang Amerikano sa bansang Pilipinas sa nagdaang panahon na ang namamahala ay ang pamahalaan upang pangalagaan ang sandatahang hukbo.
Ang lugar na ito ang nagsisilbing taguan ng mga pandigmang kagamitan gayundin ang lugar kung saan sinasanay ang mga sundalo.
Sa kasalukuyan, ang base militar ay nagsisilbi na ring kampo at tirahan ng mga sundalo. Ilan sa mga base militar na naitatag sa bansa ay ang Clark Field Air Base na makikita sa Pampanga, Mariveles Military Reservation, POL Terminal at ang Training Area na makikita sa Bataan, at ang Camp John Hay Leave and Recreation Center na makikita naman sa Baguio.