Mga Karagatan Ng Daigdig

Ang mundo ay mayroong limang karagatan na kinabibilangan ng Indian Ocean, Pacific Ocean, Southern Ocean, Atlantic Ocean, at Arctic Ocean.

Indian Ocean

Mga Karagatan Ng Daigdig mga halimbawaAng Indian Ocean o Karagatang Indiyano/ Indian ay ang ikatlong pinakamalaking karagatang makikita sa mundo. Nasa 20 porsiyento ng dagat na ito ay ang katubigan ng mundo.

Nasa halos 10,000 kilometro at 6,200 milya ang lawak ng Indian Ocean at makikita ito sa katimugang bahagi ng Africa at Australia. Tinawag itong Indian Ocean simula noong 1515. Sa paligid ng Indian Ocean ay makikita ang mga bansang Iran, Pakistan, India, at Bangladesh.

Pacific Ocean

Mga Karagatan Ng Daigdig pacific ocean tagalogAng pinakamalaking karagatan naman sa buong daigdig ay ang Karagatang Pasipiko o Pacific Ocean. Halos lahat ng kalupaan sa daigdig ay masasakop ng karagatang ito. Ito ay makikita sa pagitan ng Asya at Australia. Makikita rin ito sa kanluran ng America.


Ito ay may sukat na 165,250,000 kilometro kuwadrado. Ito ay nasa 46 porsiyento ng kabuuang katubigan sa buong mundo. Sinasabing ito ay may lalim na 4,000 metro. Tinawag naman itong Pacific Ocean dahil sa ginawang ekspidisyon ng manlalakbay na si Ferdinand Magellan dahil may maayos na daloy daw ng hangin dito na sa salitang Espanyol na “Mar Pacifico” o “peaceful sea.”

Southern Ocean

Mga Karagatan Ng Daigdig magbigay ng mga halimbawa at paliwanagAng Southern Ocean o Katimugang Karagatan naman ay kinikilala rin sa tawag na “Dakilang Katimugang Karagatan.” Kinikilala rin ito bilang Karagatang Antartiko at Timog Polar ng Karagatan.

Makikita ito sa pinaka-katimugang bahagi ng mga karagatan sa mundo kaya naman Southern Ocean ang itinawag dito.

Atlantic Ocean


mga uri ng karagatan sa ating mundoAng Atlantic Ocean naman at isang karagatan o anyong tubig na may tubig alat na may laking kasing lawak ng 1/5 ng kabuuang kalupaan ng daigdig. Ito ay ang naghahati sa kontinente ng Europe at Africa at sa silangan ng North at South America.

Ang pangalan ng karagatang ito ay mula sa isa sa mga diyos ng Greek Mythology na si Atlas. Ito ay ang pangalawang pinakalamaking karagatan sa mundo, sunod sa Pacific Ocean. Kilala rin ang karagatang ito na mayroong hugis na S.

Arctic Ocean

mga anyo ng tubig sa karagatan arctic oceanAng Arctic Ocean o Karagatang Arktiko naman ay ang pinakamaliit sa lahat ng karagatang makikita sa mundo may sukat na 6.1 million square miles. Ito rin ay ang pinakamababaw sa lahat ng karagatan sa limang mayroon ang daigdig.

Dahil sa lokasyon nitong nasa pinakataas na bahagi ng daigdig, ang tubig sa Arctic Ocean ay nababalot ng yelo sa buong taon. Gayunman, may mga lumalabas na pag-aaral na unti-unti na raw na nababawasan ang yelo dahil sa umiinit na temperatura ng mundo.