Mga karaniwang tao sa lipunang Roman tulad ng magsasaka at mangangalakal?

Katanungan

mga karaniwang tao sa lipunang roman tulad ng magsasaka at mangangalakal?

Sagot verified answer sagot

Plebeian ang tawag sa mga karaniwang tao sa lipunang Romano tulad ng magsasaka at mangangalakal. Ang Kabihasnang Romano ay binubuo ng dalawang antas o uri ng tao sa lipunan.

Ito ang patrician at plebeian. Ang patrician ay ang mga indibidwal na kabilang sa mayayamang pamilya na silang may karapatan lamang na buuin ang konsul ng konseho upang mamalakad sa kabihasanan.

Sila rin ang mga tao na nagmamay-ari ng mga lupain. Sa kabilang banda, ang plebeian naman ay tumutukoy sa mga pangkat ng tao na tinatawag na karaniwan dahil ang sila ay ang mga magsasaka at mangangalakal na naninirahan sa lipunan.