Katanungan
mga katangian ng isang matiwasay na lipunan para sa akin?
Sagot
Ang mga katangian ng isang matiwasay na lipunan para sa akin ay payapa, may pagkakaisa, may pagtutulungan, at may pagkakapantay-pantay.
Ang matiwasay na lipunan ay isang anyo ng pamayanang nagpapakita ng kasaganahan sapagkat ang mga mamamayan ay kakikitaan ng pagkakaisa at pagtutulungan na kapaki-pakinabang sa usaping kaunlaran.
Ito rin ay kakikitaan kapayapaan sapagkat may kakaunti o walang tala ng krimen sapagkat ang bawat isa ay nagpapakita ng paggalang at nagtutulong-tulong upang mapanatili ang pagkakapantay-pantay sa lipunan.
Samakatuwid, ang matiwasay na lipunan ay isang anyo na hindi nakatingin sa estado ng bawat isa kundi sa pagpapanatili ng karapatang pantay at pagbibigay respeto sa bawat isa.