Mga katangian ng may buhay na halaman?

Katanungan

mga katangian ng may buhay na halaman?

Sagot verified answer sagot

Ang ating kapiligiran ay binubuo ng mga halaman, na siya ring nabubuhay tulad nating mga tao. Malalaman mo na buhay ang isang halaman kapag ito ay patuloy na lumalaki habang ang panahon ay lumilipas.

Ang mga ibang buhay na halaman ay maaaring magkaroon ng prutas na bunga o di kaya naman ay mamulaklak. Napakatingkad rin ng kulay ng isang halaman na buhay na buhay.

Kadalasang berde ang isang halaman, at kung wala na itong buhay ay magiging kulay abo ito. Pansinin rin ang paligid ng halaman dahil kung ang isang halaman ay buhay, maraming mga insekto ang maaaring lumapit rito.