Mga katangiang dapat taglayin bilang Asyano?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

mga katangiang dapat taglayin bilang asyano?

Sagot verified answer sagot

Asyano ang tumutukoy sa sinumang tao na nakatira sa kontinente ng Asya, kabilang na rito an gating bansang Pilipinas.

Tayo ay Pilipino at sa mas malawak na usapin ay tayo ay mga Asyano. Maraming katangiang Asyano ang ating dapat taglayin.

Isa na rito ang pagiging magalang. Hindi lamang sa ating kultura bilang mga Pilipino, ngunit maging na rin sa buong Asya, nagpapakita ng importansya sa paggalang sa mas nakatatanda.

Ilan pa sa mga katangiang Asyano ang dapat nating dalhin sa ating araw-araw na buhay ay ang pagiging masayahin, matalino, matulungin sa kapwa, makapamilya, maka-Diyos, at ang pagkakaroon ng mababang loob.