Mga layunin ng simbahan?

Katanungan

mga layunin ng simbahan?

Sagot verified answer sagot

Bilang mahalagang parte na ng lipunan ang simbahan, ang simbahan ay may mga layunin na kailangan nitong makamit o magampanan. Isa sa mga layunin na ito ay maipalaganap ang Kristiyanismo, na siyang relihiyon na idinala ng mga Kastila kaya naman may simbahan tayo ngayon.

Ikalawa, layunin ng simbahan na magabayan ang mga taong may pananampalataya sa yapak ni Hesukristo at maging mabuting mga indibidwal ng komunidad.

Ikatlo, maitaguyod at mapanatili ang kapayapaan sa isang lugar sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Ika-apat, ipalaganap ang mabuting salita ng Diyos na sino mang mananampalataya ay maliligtas sa katapusan ng mundong ibabaw na ito.