Mga maling paniniwala sa pagdadalaga at pagbibinata?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

mga maling paniniwala sa pagdadalaga at pagbibinata?

Sagot verified answer sagot

Ang bawat indibidwal ay dumaraan sa pagbibinata para sa mga kalalakihan at pagdadalaga para sa mga kababaihan.

Sa mga yugtong ito, mayroong iba’t ibang paniniwalang umusbong. Kabilang sa mga maling paniniwala sa pagbibinata ang:

1.) Ang pagpapatuli ay isang paraan upang ang lalaki ay mabilis na tumangkad.

2.) Ang maselang bahagi ng lalaking bagong tuli ay hindi dapat makita ng isang babae sa paniniwalang ito ay mamamaga o “mangangamatis”.

3.) Ang wet dreams na nararanasan ng isang nagbibinata ay dapat na pigilan sapagkat ito ay masama.

Sa kabilang banda, ang mga maling paniniwala sa pagdadalaga naman ay ang mga sumusunod:

1.) Kung ang nagdadalaga ay mayroong dalaw, siya ay hindi hinihikayat na maligo sapagkat ito diumano ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng ul.

2.) Ang mga nagdadalaga ay hindi dapat nagbubuhat ng mabibigat sapagkat ito ay maaaring makapigil sa daloy ng dalaw.

3.) Ang pagkain ng mga maaasim ay hindi nararapat dahil mapatitigil daw nito ang daloy ng dugo.

4.) Sa unang beses ng dalaw, ang damit na ginamit ay marapat na ipahid sa mukha upang maiwasan ang pagtubo ng mga tigyawat.