Katanungan
mga naging pangyayari upang matagumpay na matapos ang nobela?
Sagot
Ang mga naging pangyayari upang matagumpay na matapos ang nobelang El Filibusterismo ay ang mga sumusunod:
pinatibay ni Jose Rizal, ang may-akda ng nasabing nobela at kinikilalang bayaning pambansa ng Pilipinas, ang kanyang kalooban upang maituloy at matapos ang pagsusulat ng nobela sapagkat maidhi ang layunin niya na magising ang diwa ng mga mamamayan sa tunay na lagay ng bansa sa kamay ng mga mananakop na Espanyol; dahil sa kakulangan sa pondo, isinanla ni Jose Rizal ang kanyang mga alahas upang kanyang matustusan ang patuloy na pagsusulat; at upang maituloy ang pagkahinto ng paglilimbag ng nobela, pinahiram siya ng kanyang mayamang kaibigan ng pera.