Mga nagpapatunay ng pagmamahal

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang mga nagpapatunay ng pagmamahal?

Sagot verified answer sagot

Mga nagpapatunay ng pagmamahalIba’t iba ang pagpapakita ng tao ng pagmamahal. Ngunit mayroon din namang mga kilos na nagpapakita na ang isang tao ay tunay na nagmamahal.

Una na rito ay ang pagbibigay ng tiwala at malasakit. Ang pagbibigay ng tulong sa isang tao ay indikasyon ng pagmamahal.

Kung ang isang tao ay handang maglaan ng oras sa isang tao at magbigay ng serbisyo kahit walang hinihintay na kapalit, ito ay masasabing pagmamahal.

Isa pa, kung ang tao ay kayang magbigay ng tiwala sa kaniyang kapuwa, ay masasabing isang akto rin ito na nagpapatunay ng pagmamahal. Kung kaya mong ibigay ang iyong buong tiwala sa isang tao, siya ay minamahal mo na.