Mga naobserbahang kasalukuyang kalagayan ng lipunan

Katanungan Sagot

Katanungan

Mga naobserbahang kasalukuyang kalagayan ng lipunan

Sagot verified answer sagot

Mga naobserbahang kasalukuyang kalagayan ng lipunanIlan sa mga naobserbahan ko sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan ay ang kawalan nang maayos na hanapbuhay at pagkakahati ng mga tao dahil sa paniniwalang politikal.

Marami ang nawalan ng trabaho at kabuhayan dahil sa tumamang pandemya. Ang maraming negosyo ay nalugi dahil sa ilang buwang hindi pag-andar dahil sa lockdown na ipinatupad para sa kaligtasan ng bayan.

Isa pa sa mga nagpapalala ng kalagayan ng bayan ay ang kaguluhan at pagkakahati-hati ng mga tao dahil sa paniniwalang politikal.

Kaniya-kaniyang batuhan ang mga tao at tila nabubulagan dahil sa kanilang pinipiling partido sa halip na maging mabuti at kapakipakinabang na bahagi ng lipunan. Hindi na baling mali ang lumalaganap, basta naaayon sa nais nila at sa politikong sinusuportahan.