Mga pagtulong na nagawa ng pamahalaan sa mga mamamayan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Mga pagtulong na nagawa ng pamahalaan saa mga mamamayan?

Sagot verified answer sagot

Ang pamahalaan ay nakapagbigay ng iba’t ibang klase ng pagtulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng ayuda, pagkakatatag ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, at ang libreng edukasyon para sa mga mag-aaral ng elementary at sekondarya.

Ang pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan o gobyerno ay ang isang malaking tulong sa panahon ng pandemya sapagkat marami ang nawalan ng trabaho at lalong naghirap kung kaya sa pamamagitan nito ay nabili ng mga mamamayan ang kanilang pangunhaing pangangailangan.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o kung tawagin natin ay 4P’s ay nakatulong naman upang mabigyan ng pinasiyal na tulong ang mga Pilipinong nasa laylayan o pinakamahihirap sa bansa. Ang makapag-aral at makapagtapos naman ng libre ang mga kabataan sa elementary at sekondarya ang naging tulong ng pagkakaroon ng libreng edukasyon.