Mga pananagutan ng pamahalaan sa bawat pamilyang Pilipino?

Katanungan Sagot

Katanungan

Mga pananagutan ng pamahalaan sa bawat pamilyang Pilipino? Thx sa help! 🙂

Sagot verified answer sagot

Mga pananagutan ng pamahalaan sa bawat pamilyang PilipinoMaraming pananagutan ang pamahalaan sa pamilyang Pilipino dahil ito naman ang kanilang sinumpaang tungkulin—ang pagsilbihan ang mga taong nasasakupan nila. Isa sa mga pananagutan nila ay makapagbigay nang maayos at pantay na serbisyo publiko para sa lahat.

Kasama rito ang mga proyektong magpapagaan sa pamumuhay ng mga mamamayan at bawat pamilya. Hindi dapat nakararanas ng gutom, paghihirap, at sakit hangga’t maaari ang mga mamamayan dahil ito ang inaasahan nilang kapalit ng kanilang ibinabayad na buwis mula sa kanilang kita bilang isang manggagawa at bilang isang mamamayang bumibili ng mga produkto na binubuwisan naman ng pamahalaan. Mahalagang ang buwis na ibinibayad nila ay mapapalitan nang maayos na serbisyo.