Mga paraan ng pagharap mo ng tama sa mga pagsubok o hamon sa buhay

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang mga paraan ng pagharap mo ng tama sa mga pagsubok o hamon sa buhay?

Sagot verified answer sagot

Mga paraan ng pagharap mo ng tama sa mga pagsubok o hamon sa buhayMarami akong paraan ng pagharap nang tama sa mga pagsubok o hamon sa buhay. Lagi ko lang iniisip na ang buhay ay isang diyamante.

Kailangan ka munang idaan sa matinding hirap at mga pagsubok bago ka maging maganda at kapakipakinabang. Ganito rin sa buhay.

Iniisip ko lang na ako ay sinusubok kasi mas gusto ng buhay na ako mas tumatag. Lahat ng natututuhan ko sa mga pagsubok ay di ko kinakalimutan.

Humihingi rin ako ng payo at tulong sa aking mga kakilala at mga kaibigan. Isa pa, hindi ako pinanghihinaan ng loob dahil alam kong walang ibinibigay sa ating pagsubok na hindi natin kaya.