Katanungan
mga positibong kontribusyon ng magulang?
Sagot
Ang mga magulang ang siyang miyembro ng pamilya na sinasabing gumagabay at pumapatnubay sa mga anak. Kaya naman ang kanilang kontribusyon sa pamilya at sa lipunan ay napakahalaga at dapat bigyan ng parangal.
Isa sa mga kanilang positibong kontribusyon ay ang paghuhubog ng kanilang mga anak upang maging husto at ganap na mga indibidwal sa lipunan.
Ikalawa naman, sila ang nagiging haligi ng kalakasan bagamat sila ang nagiging matatag para sa pamilya sa oras ng pangangailangan.
Sila rin ang gumagalaw upang masustentuhan ang pamumuhay ng pamilya at matugunan ang pangangailangan ng bawat miyembro. Nagsisilbi silang mga guro at doktor sa tahanan.