Mga Salik na Nakakaapekto sa Demand?

Katanungan Sagot

Katanungan

Mga Salik Na Nakakaapekto Sa Demand?

Sagot verified answer sagot

Ilan sa mga salik na nakakaapekto sa demand ay unang-una ang kita. Depende sa kinikita ng isang tao, maaari siyang komonsumo ng produkto na may mababa o mataas na presyo.

Nagbabago ang demand depende sa kinikita niya. Kabilang na rin ang presyo bilang salik na nakakaapekto sa demand. Ang pagtaas o pagbaba ng presyo ng mga bilihin ay maaari ring maging pagtaas o pagbaba ng demand sa mga ito.

Pumapasok rin ang usaping panlasa pagdating sa demand. Ang mga tao minsa’y sumasabay sa uso kaya tumataas ang demand. Kapag naman nawala na sa uso ang mga bagay na minsang kinihiligan ay bumababa na rin ang demand.