Mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo

Katanungan Sagot

Katanungan

Mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo. Baka may maidagdag pa po kayo sa project ko. Thanks!!

Sagot verified answer sagot

Mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyoAng mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo ay tinatawag na isyu o problemang pangkalakalan.

Ito ay mga suliranin o problemang nagiging hadlang upang matagumpay na maisagawa ang iba’t ibang hakbang upang mapaunlad ang negosyo ng isang bansa o pagkamit ng inaasam na pag-unlad para sa globalisasyon.

Iba’t iba ang maaaring maging isyung pangkalakalan. Ilan sa mga ito ay ang mga bagong batas na itinatakda ang paglilimita ng mga inilalabas o ipinapasok na produkto sa isang bansa, ang paghina ng industriya ng isang bansa dahil sa krisis o iba pang suliraning nag-uugat sa iba pang problema, o di kaya naman ay ang mga hidwaan ng bawat bansa na nakasasagabal sa maayos na palitan ng produkto.