Mga sundalong Espanyol na nakatulong sa pagpapalaganap ng kolonyalismo?

Katanungan Sagot

5

Katanungan

mga sundalong espanyol na nakatulong sa pagpapalaganap ng kolonyalismo?

Sagot verified answer sagot

Conquistadores ang tawag sa mga sundalong tumulong sa mga Espanyol upang mapalaganap ang kolonyalismo.

Ang mga conquistadores ay mga pangkat ng mga kabalyero na maaari ring tawaging sundalo na mula pa sa mga bansang Espanya at Portugal.

Sa kasaysayan partikular na sa panahong pagtuklas, ang mga ito ay naglayag patungong Amerika, Oceania, Africa, at Asya upang manakop ng mga bansa.

Ilan pa sa mga layunin ng kanilang pananakop ang makapagbukas ng iba’t ibang ruta na magagamit sa pakikipagkalakalan at maipalaganap ang kolonyalismo sa mga bansang nasakop. Dahil dito, sila ang naging katuwang ng Espanya upang maipalaganap ang kolonyalismong kaisipan sa Pilipinas.