Katanungan
mga tungkulin ng pamilya sa edukasyon?
Sagot
Sa ilalim ng saligang batas ng ating bansa, ang pamilya ang pangunahing yunit ng komunidad. Ang bawat pamilya ay binubuo ng miyembro tulad ng ama, ina, at mga anak.
Ang bawat miyembro ay may tungkulin sa lipunang kanilang ginagalawan. Pagdating sa usaping pang-edukasyon, tutngkulin ng isang pamilya, lalong-lalo nan g mga magulang, na maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak.
Karapatan ng bawat isa na magkaroon ng kalidad na edukasyon. Ang pamilya rin ang dapat maging pangunahing gabay ng mga anak sa pagiging mabuting mamamayan at mag-aaral.
Tungkulin ng pamilya na paniguraduhing maayos ang pagkakahubog ng bawat miyembro ng pamilya upang maging maayos ang kanilang buhay sa lipunan.