Mga unang pamayanang umusbong sa China?

Katanungan Sagot

Katanungan

mga unang pamayanang umusbong sa china?

Sagot verified answer sagot

Ayon sa kasaysayan, ang kauna-unahang pamayanang umusbong sa bansang Tsina ay ang Hsia Dynasty, o madalas ay binabaybay rin bilang Xia Dynasty.

Ang dinastiyang ito ay sinasabing pinamunuan at pinangunahan ni Yu the Great. Ngunit ang pamayanang ito ay hindi masyadong naitala bagamat walang nakakaalam kung ano talaga ang nangyari.

Mas naging tanyag na unang pamayanan ng Tsina ang kabihasnang Shang, na siyang sumunod na dinastiya sa Hsia o Xia.

Ang pamayanang ito ay matatagpuan sa isang lambak sa Tsina, kung saan dumadaloy ang Huang Ho o Yellow River. Noong unang panahon, tinawag rin ang dinastiyang ito bilang Yin Dynasty.