Tinatawag na Miliminas ang pangkat ng mga pulo sa Dagat Pasipiko. Halos katulad rin ang bansang ito ng Pilipinas lalo na sa mga taong naninirahan. Iyon lamang, iba ang kanilang batas na sinusunod. Kabalintunaan ito ng mga batas na nakasanayan natin.
Isa sa mga kakaibang batas na kanilang sinusunod ay ang pagpapatakbo ng sasakyan sa kalsada. Hindi maaari sa kanila ang mabagal kaya naman overspeeding ang pinaiiral nila. Hinuhuli ang hindi mag-o-overspeed.
Ang kanilang mga pamilihan din ay tinatawag na super blackmarket. Ipinagbibili rito ang mga produktong nakaw at mga peke. Hinuhuli at pinarurusahan ang mga negosyanteng nagtitinda ng mga totoo o genuine na produkto.
Pinahihintulutan din ng kanilang batas ang pagkitil ng buhay ng iba, ang pangangaliwa o pagloloko sa asawa. Imbes din na Diyos ang kanilang sinasamba, naniniwala sila kay Santasa.
Buwaya rin ang tingin nila sa mga politko, pero taliwas sa paniniwala natin sa Pilipinas, ang buwaya ay sagrado at tinitingalang tao.
Kung sasapit ang eleksiyon, ang mga ito ay magkakaroon ng isang paghaharap ngunit imbes na magpalitan ng kanilang mga plataporma, ay magbabatuhan na lamang sila ng putik sa ibabaw ng entablado.
Ipinagbabawal sa kanilang bansa ang pagdaraos ng pulong ng mga kabataan na kung tawagin nila ay dungis ng lipunan. Pinarusahan sila ng Santasa kaya naman lumalakas ang ulan at nagkabaha, pumutok ang bulkan, at gumuho ang Miliminas.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Miliminas: Taong 0069. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!