Katanungan
mixed economy paglalarawan?
Sagot
Ang mixed economy ay ang pinagsamang market at command economy kung saan pinag-uugnay ang mga katangian ng dalawang ito upang mabigyang katuturan ang mixed economy.
Kabilang sa mga sistemang pinaiiral nito ang pakikilahok na malaya sa mga aspetong pangkabuhayan alinsunod sa pahintulot ng gobyerno na siyang may kontrol dito.
Sa mixed economy binibigyang kalayaan ang pamilihan na kung saan ang pagpapasya ng mga indibidwal at kompanya ay pinahihintulutan subalit pinapayagang manghimasok ang gobyerno kung ang pag-uusapan ay ang pangangalaga sa kapaligiran o kalikasan, panlipunang katarungan, at pagmamay-ari ng isang estado.
Gayunman, ang sistemang umiiral dito ay hindi maituturing na awtonomiya sapagkat malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa usaping paggabay.