Muling pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan?

Katanungan

muling pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan?

Sagot verified answer sagot

Ito ay tinatawag na Reforestation. Ngayon tag init, tsaka lamang nakikita ng mga tao ang kahalagahan ng mga puno kaya nararapat lamang protektahan ang mga halaman, gubat, at lalo na ang mga puno hindi lamang ngayong tag init, kung hindi buong panahon.

Kadalasan, mga dambuhalang korporasyon ang iligal na pinuputol ang mga puno kaya malaki ang epekto nito sa klima at lalong umiinit.

Dagdag pa rito, nawawalan din ng mga tirahan ang mga hayop kaya nagiging “extinct” na sila. Ngayon, mahalaga ang reforestation dahil lalong nasisira ang kalikasan, naaapektuhan ang kalusugan ng mga tao, at lumalala lalo ang ‘climate change’.