Isang tanyag na manunulat at komedyante si Mullah Nasreddin o Mulla Nasser-e Din (MND) sa tunay na buhay.
Kinilala siya dahil sa kaniyang galing sa paglikha ng mga piyesa ng katatawanan na tumatak sa bansang Iran at kanyang mga kababayang Persiano.
Naging klasiko ang paraan ng pagpapatawa ni Mullah na talaga namang hanggang sa ngayon ay dinadakila pa rin sa kanilang bansa.
Isa sa kaniyang hindi malilimutang kuwento ng katatawanan ay ang kanyang naging maikling talumpati nang maimbitahan siya bilang isang panauhin sa isang pagtatanghal.
Nang nasa entablado na, tinanong ni Mullah ang mga manonood kung alam na ba ng mga ito ang kaniyang sasabihin. Naging matapat naman ang mga manonood at sinabing hindi nila alam ang talumpati ni Mulla.
Umalis sa entablado si Mullah at sinabing wala siyang panahon para sa mga manonood na hindi batid ang kaniyang isasalaysay.
Kinabukasan ay bumalik ito bilang panauhin. Ibinato nito ang katulad pa ring tanong. Sumagot naman ang mga manonood na ngayon ay alam na nila ang sasabihin nito upang magpatuloy ang palabas.
Sumagot naman si Mullah na kung alam na pala ng manonood ang kaniyang sasabihin ay aalis na lang siya, na kaniya namang ginawa.
Kinabukasan muli, ay naimbitahan siya at tinanong ang katulad na tanong. Hati na ang sagot ng mga manonood na oo at hindi. Sabi ni Mullah, ang mga nakaaalam ay sila na lang ang magsabi sa mga hindi.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Mullah Nasreddin. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!