Katanungan
nagaaral ng mga bagay na may kaugnayan sa mga tao noong unang panahon?
Sagot
Ang tawag sa nag-aaral ng mga bagay na may kaugnayan sa mga tao noong unang panahon ay arkeologo.
Ang arkeologo o sa ingles ay tinatawag na archeologist ay isang dalubhasa na nag-aaral patungkol sa nagdaang sibilisasyon.
Kadalasan, ang ginagawa nila ay maghukay ng iba’t ibang lupain ba pinaniniwalaang dating nagsilbing tirahan ng mga sinaunang tao.
Siya rin ay kilala bilang mananalaysay na pinag-aaralan ang buhay ng mga sinaunang tao sa tulong mga artifacts na nahuhukay nila.
Samantala, ang tawag naman sa proseso o pag-aaral ng mga sinaunang tao gayundin ng kanilang pinagmulan at kultura ay arkeolohiya na siyang nagsisilbing kuwento ng nakaraan.