Nagaganap pa rin ba ang dayaan sa eleksyon sa kasalukuyan? Ano ang maaaring gawin ng mga mamamayan para mahinto ang dayaan sa eleksyon?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

Nagaganap pa rin ba ang dayaan sa eleksyon sa kasalukuyan Ano ang maaaring gawin ng mga mamamayan para mahinto ang dayaan sa eleksyon?

Sagot verified answer sagot

Ang dayaan sa eleksyon ay nagaganap pa rin sa kasalukuyang panahon. Ang dayaan ay naisasagawa sa kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng paggamit ng salapi ng mga kandidato na kung saan ibinibigay o ipinamamahagi nila ito sa mga mamamayan kapalit ng boto ng mga ito upang makamtan nila ang pagkapanalo.

Bilang isang responsableng mamamayan, ang magagawa ko upang maihinto ito ay ang ipagbigay alam sa kinauukulan ang mga kasong aking nasasaksihan partikular na sa pagbili ng boto ng mga kandidato.

Idagdag pa riyan ang pagiging matapat, mapagmatyag, at masusing panunuri sa kakayahan at layunin ng kandidato ang dapat gawin upang higit na mapili ang tamang tao at maiwasan ang pandaraya.