Naging ikalawang editor ng pahayagan ng samahang Propaganda

Katanungan Sagot

Katanungan

Sino ang naging ikalawang editor ng pahayagan ng samahang Propaganda?

Sagot verified answer sagot

Naging ikalawang editor ng pahayagan ng samahang PropagandaAng kilusang Propaganda ng mga ilustrado ay bumuo ng isang pahayagang maglalabas ng lahat ng baho at kasamaan ng mga Espanyol.

Ang pahayagan ay tinawag na La Solidaridad at isa sa mga naging patnugot, o ang ikalawang editor ng pahayagan ay si Marcelo H. del Pilar.

Matapos maging patnugot ni Graciano Lopez Jaena, inilipat naman niya ang tungkulin sa isa pang manunulat na mula sa Bulacan na si del Pilar.

Ginamit niya ang alyas na Plaridel sa pagiging manulat at patnugot nang nasabing pahayagan ng Kilusang Propaganda. Siya ang naging editor o patnugot ng isyung lumabas noong Nobyembre 15 1889.