Naging kapaki-pakinabang ba sa mga sinaunang Pilipino ang pagmimina bakit?

Katanungan Sagot

Katanungan

naging kapaki-pakinabang ba sa mga sinaunang pilipino ang pagmimina bakit?

Sagot verified answer sagot

Naging kapaki pakinabang ba sa mga sinaunang Pilipino ang pagmimina bakitOo, naging kapaki-pakinabang sa mga sinaunang Pilipino ang pagmimina. Sa pagmimina kasi ay natuklasa ng mga ninuno natin na ang Pilipinas pala ay mayroong mayamang lupain at nagtataglay ng mga pambihirang likas yaman.

Ang mga bagay na kanilang namimina sa kanilang mga lupain ay naging kapakipakinabang para sa kanilang kabuhayan. Naging malakas ang pakikipagkalakalan ng mga Pilipino sa ibang mamamayan at lahi dahil sa magandang namimina nila sa ating mga lupain.

Isa pa, ang mga metal na nakukuha nila sa mga lupain ay nagagamit din nila sa kanilang mga personal na pangangailangan katulad ng mga kagamitang metal at mga palamuti at alahas.