Naging pinakamabilis na daanan ng mga banyaga patungong Pilipinas upang makipagkalakalan?

Katanungan

naging pinakamabilis na daanan ng mga banyaga patungong Pilipinas upang makipagkalakalan?

Sagot verified answer sagot

Ang Suez Canal ang naging pinakamabilis na daanan ng mga banyaga patungong Pilipinas upang makipagkalakalan.

Ang Suez Canal ay isang artipisyal na katubigang daanan na matatagpuan sa Ehipto. Sa panahon ng Lumang Ehipto ito nagawa at sa paglipas ng panahon ay paulit-ulit na ipinagagawa upang maging kapaki-pakinabang.

Isa sa nakilalang nagpaayos nito ay ang Pranses na si Ferdinand de Lesseps noong taong 1869. Dahil sa muling pagbubukas nito, mas naging madali para sa iba’t ibang mga mangangalakal mula sa iba’t ibang bansa ang makarating sa bansang Pilipinas upang makipagpalitan ng mga produkto.

Napadali rin nito ang daluyan ng komunikasyon na nging daan upang maipalaganap ang liberal o banyagang kaisipan.