Ang mag-asawang Wigan at Bugan ay hindi magkaroon ng anak. Ang naisip nilang tanging paraan upang magkaroon ng supling ay ang humingi ng tulong sa mga Diyos ng Silangan na sina Bumakker, Bolang, Ngilin, at iba pang mga hayop.
Sa paglalakbay ni Bugan, una niyang nakita ang isang igat. Tinanong siya ng igat kung saan ito tutungo. Sabi ni Bugan ay naghahanap siya ng kakain sa kaniya dahil wala naman siyang saysay. Hindi naman sila magkaanak ni Wigan. Natawa lang si igat at pinayagan si Bugan na maglakbay pa.
Nakasalubong naman niya ang isang buwaya. Sinabi rin dito ni Bugan na naghahanap siya ng kakain sa kaniya dahil hindi naman sila magkaanak ni Wigan.
Ayaw siyang lamunin ni Buwaya dahil napakaganda raw ni Bugan. Maging ang pating ay ayaw siyang kainin dahil nanghihinayang ang mabangis na hayop sa ganda nito.
Narating na rin ni Bugan ang kuta ng mga Diyos na batid niyang makatutulong sa kaniya. Hindi naman siya nagkamali at tinulungan naman siya ng mga Diyos na nakita niya. Nag-alay din si Bugan para sa mga Diyos.
Tinuruan si Bugan ng mga Diyos ng rituwal na Bu-ad. Ito raw ang makatutulong sa kanilang gumanda ang ani at magkaroon ng anak. Nagtagumpay naman ang rituwal at nagkaroon nga ng anak sina Wigan at Bugan.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Nagkaroon Ng Anak Sina Wigan at Bugan. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!