Katanungan
naglalahad ng opinyon tungkol sa isang isyu ang?
Sagot
Naglalahad ng opinyon sa isang isyu ang pagsusulat ng sanaysay, partikular na kung ito ay isang posisyong papel.
Sa isang posisyong papel ay may paksang ibinibgay sa manunulat. Ang manunulat ay dapat maglikom ng mga impormasyon at datos na kanyang magagamit.
Pawang katotohanan lamang ang makikita o mababasa sa sanaysay. Pagkatapos ay kailangan ibigay ng manunulat ang kanyang damdamin o opinyon tungkol sa isyu.
Maaaring siya ay sang-ayon o hindi sang-ayon dito. Kanyang ipapaliwanag ang kanyang panig at ang kanyang mga ideya.
Ang mga isyu na kadalasan sinusulat sa posisyong papel ay patungkol sa politika, ekonomiya, edukasyon, panitikan, kalikasan, at marami pang iba.