Nagmula ang konsepto ng pagkamamamayan sa?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

nagmula ang konsepto ng pagkamamamayan sa?

Sagot verified answer sagot

Nagmula ang konsepto ng pagkamamamayan sa mga Griyego. Ang pagkamamamayan o citizenship ng isang tao ay pinaniniwalaang nagmula sa mga Griyegong kabihasnan na umusbong noong nagdaang mga panahon.

Ang konseptong ito ay binigyang katuturan ni Murray Clark Havens bilang isang ugnayan sa pagitan ng tao at ng estado na kung saan ang tao ay nagiging bahagi ng isang estado kung siya ay nakatanggap ng paggawad ng tungkulin at ng karapatan.

Sa kasalukuyang panahon, itinatakda ng batas o Saligang Batas ang pagkamamamayan ng isang indibidwal kung saan siya ay nagiging miyembro o bahagi ng isang teritoryo o bansa kung saan siya nabibilang.