Nagtagumpay ba si Magellan sa pananakop sa Pilipinas?

Katanungan Sagot

Katanungan

nagtagumpay ba si magellan sa pananakop sa pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Hindi nagtagumpay ang hukbo ni Magellan sa pagsakop sa bansang Pilipinas. Ang paglalakbay o ekspedisyong pinamunuan ni Ferdinand Magellan ay naglalayong matagpuan ang spice island o ang Moluccas Island subalit sa paglalayag na ito ay narating ng hukbo ang bansang Pilipinas.

Sa pagkakadiskubre ng bansang ito, nilayon ni Magellan na maipalaganap ang kristiyanismo bilang isang relihiyon ng mga katutubong Filipino.

Dahil dito, nagtungo sa Mactan si Magellan subalit sa kasawiang palad ay nakasagupa niya ang pangkat ni Lapu-lapu na siyang nakagapi o nakatalo sakanya na naging sanhi ng kanyang pagkasawi. Dahil dito, hindi maituturing na tagumpay na nasakop ni Magellan ang Pilipinas.