Nakatutulong ba ang mga pagpapahalagang nasa kahon upang higit mong makilala ang iyong sarili? Patunayan?

Katanungan

Nakatutulong ba ang mga pagpapahalagang nasa kahon upang higit mong makilala ang iyong sarili Patunayan?

Sagot verified answer sagot

Nakatutulong ang mga pagpapahalagang nasa kahon upang higit kong makilala ang aking sarili sa iba’t ibang aspeto.

Ang pagkakaroon ng katatagan ng loob ay nakatutulong sa aking sarili upang maging matapang sa pagharapsa hamong nitong buhay.

Ang pagka-mahinahon ay nakatutulong sa akin upang mahasa ko ang aking pasensiya upang sa gayon ay maharap ko ang bawat pagkakataon ng may mababang loob at maayos na kaisipan.

Ang pagka-matiyaga ay mahalaga sa paggawa ng iba’t ibang mga bagay na nakatutulong upang higit na makilala ang aking sarili at makamit ang aking mga layunin sa buhay.

Ang pagkabukas ng isipan ay nakatutulong upang mas higit kong maunawaan ang mga pangyayaring nagaganap sa aking paligid.

Nakatutulong naman ang pagmamahal sa katotohanan at mapanuring pag-iisip upang maging patas at makatarungan sa pagbuo ng desisyon.