Namamahala sa pantay pantay na pamamahagi ng pangunahing bilihin?

Katanungan

namamahala sa pantay pantay na pamamahagi ng pangunahing bilihin?

Sagot verified answer sagot

Ang NADISCO ang namamahala sa pantay pantay na pamamahagi ng pangunahing bilihin. Ang National Distribution Corporation o NADISCO ay nakilala sa panahon ng pananakop ng mga hapones.

Dahil sa pagkain ang isa sa mga pinakamalaking suliranin na kinahaharap ng bansa matapos maitatag ang ikalawang Republika, minabuti ng mga hapones na ipatupad ang pangangasiwa ng ahensiyang NADISCO upang lutasin ang problema sa pagkain.

Ito ang siyang naatasan ng pamahalaan para mamigay ng mga bigas at ng iba pang mga pagkaing madalas ginagamit sa araw-araw gaya ng asukal. Asin, mantika, sabon, at marami pang iba. Ito ay isinagawa upang magkaron ng organisadong Sistema sa bansa.