Nangangahulugang hari ng sansinukob?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

nangangahulugang hari ng sansinukob?

Sagot verified answer sagot

Isang terminong hango sa salitang Sanskrit ang Cakravartin. Ibig sabihin ng salitang ito ay hari ng sansinukob.

Ito ay ang itinatawag sa isang hari na may kakayahan at kapangyarihang maghari sa buong sanlibutan o sa buong mundo batay sa relihiyon sa India.

Dahil tatlo ang pangunahing pananampalataya sa bansang India, iba’t-iba ang kanilang pananaw sa Cakravartin ngunit ang tatlo ay naniniwala na ang Cakravartin ang ipinagkaloob na hari sa sambayanan.

Sa Buddhism, pinaniniwalang ang Cakravartin ay ang Future Buddha. Sa Hinduism naman ay sinasabing si Vishnu, ang kanilang pinakamakapangyarihan na diyos. At sa Jainism ay tinatayang may labindalawang Cakravartin na nasa mundo.