Nanguna sa pagsiyasat upang alamin ang kalidad at dami ng ginto sa kabundukan ng hilagang Luzon?

Katanungan

nanguna sa pagsiyasat upang alamin ang kalidad at dami ng ginto sa kabundukan ng hilagang luzon?

Sagot verified answer sagot

Si Juan de Salcedo ang nanguna sa pagsiyasat upang alamin ang kalidad at dami ng ginto sa kabundukan ng hilagang Luzon.

Kilala si Juan de Salcedo bilang isa sa mga manlalayag na Espanyol na nanakop sa Pilipinas. Ang kanyang lolo ay ang sikat na mananakop na Espanyol rin na si Miguel Lopez de Legazpi.

Si Salcedo ang namuno sa humigit kumulang 300 na sundalong Espanyol upang masakop ang Maynila at tuluyan ring mapunta sa kanilang pamamahala ang kabuuang isla ng Luzon.

Nagtungo si Salcedo at ang kanyang mga sundalo sa Vigan kung saan nila nalaman na mayroong gintong matatagpuan sa mga kabundukan.