Katanungan
naniningalang pugad kahulugan?
Sagot
Ang ibig sabihin ng naniningalang pugad ay nanliligaw. Ang paniningalang pugad o panliligaw ay isang uri ng kaugalian o tradisyon ng mga Pilipino upang maiapkita ng lalaki ang kanyang nararamdaman sa napupusuang babae.
Ang tradisyunal na panliligaw o ang nakagawian noong unang panahon, ang paraan ng panliligaw ay idinaraan sa paghaharana o pag-awit o pagtugtog sa labas ng tahanan ng sinisintang dalaga.
Madalas din itong mag-igib at magsibak ng kahoy para sa pamilya ng babae. Sa kasalukuyang panahon, bagamat nagtutungo pa rin ang lalaki sa bahay ng babe upang maipadama ang nararamdaman ay unti-unti ng nababago ang tradisyunal na pamamaraan nito.