Naniniwala sa teoryang wave migration

Katanungan Sagot

Katanungan

Naniniwala sa teoryang wave migration

Sagot verified answer sagot

Naniniwala sa teoryang wave migrationAng siyentipikong naniniwala sa teoryang wave migration ay si Henry Otley Beyer. Ayon kay Beyer, mayroong marami at iba’t ibang grupo o pangkat ng tao ang nag-migrate o dumating sa Pilipinas.

Ang mga ito ang pinaniniwalaan niyang pinagmulan ng lahing Pilipino at mga kauna-unahang nanirahan sa bansa.

Naniniwala si Beyer na ang pagdating ng mga sinaunang tao sa Pilipinas ay pangkat-pangkat. Daluyong o wave din daw ang pagdating nga mga ito sa bansa.

Naniniwala rin siya na nakarating ang mga tao sa bansa sa pamamagitan ng paglalakad sa mga tulay na lupa na nagkokonekta noon sa mga bansa. Iginigiit din ng teoryang ito na pagdating ng mga taong ito sa bansa ay wala pang ibang nananahan dito.