Katanungan
napapanahong isyu ng karahasan at diskriminasyon?
Sagot
Ang isang napapanahong isyu ng karahasan at diskriminasyon ay ang panliligalig sa sekswalidad o kasarian ng isang tao. Ang bawat tao ay natutukoy ayon sa bayolohikal na kasarian nito, ang pagiging babae o lalaki.
Subalit, sa pagsapit ng kasalukuyang henerasyon, ang sekswalidad ay hindi na lamang nalilimitahan sa pagiging babae o lalaki dahil sa ang kasarian ng tao ay maaari ng mahinuha ayon sa pakiramdam ng indibidwal na kung saan kahit na ang sekswalidad ay babae subalit ang puso at damdamin ay lalaki, ito ay nararapat na igalang sa lipunan.
Ngunit ito pa ang naging mitsa upang umusbong ang sekwal na panliligalig o ang pagbibigay ng isang puna na hindi kanais-naisna siyang isang lumalalang isyu ng diskriminasyon at karahasan sa kasalukuyang panahon.