Napapanahong Isyu Tungkol Sa Edukasyon

Ang edukasyon ang sinasabing susi sa magandang bukas. Ngunit dahil sa kabi-kabilang katiwalian, maraming isyung pang-edukasyon ang hinaharap ng bansa ngayon.

Mura at Dekalidad na Edukasyon

Napapanahong Isyu Tungkol Sa EdukasyonBagaman mayroong programa ang pamahalaan para sa murang edukasyon sa pamamagitan ng mga pampublikong paaralan at unibersidad, hindi pa rin maitatanggi na maraming kakulangan ang hinaharap ng mga mag-aaral at mga guro sa nasabing mga institusyon.

Maraming paaralan sa bansa ang kulang sa silid-aralan. Nagsisiksikan ang maraming mag-aaral sa loob ng klasrum na nagbubunsod nang hindi pagkatutong lubos ng ilan.

Sa malalayong lugar ay wala ring maayos na sistema ng edukasyon. Wala rin silang maayos na silid at kung minsan ay wala ring sapat na guro

Pantay na Edukasyon sa Panahon ng Pandemya


mga halimbawa ng Napapanahong Isyu Tungkol Sa EdukasyonNgayong may pandemyang kinahaharap ang bansa, nagkaroon ng new normal sa pag-aaral. Inilabas ang blended learning kung saan ang klase ay gagawin online o sa pamamagitan ng modules.

Ang masaklap, tila hindi pantay ang magiging pagkatuto ng mga bata dahil marami ang walang gadgets at internet connection para makapag-aral. Hindi rin umano magiging epektibo ang pagbabasa lamang ng modules at walang gurong gagabay habang inuunawa ito ng mga mag-aaral.

kahulugan ng Napapanahong Isyu Tungkol Sa EdukasyonKulang na kulang din ang ginagawang hakbang ng mga opisyal natin para matiyak na walang mag-aaral ang mapag-iiwanan kahit may bagong panukala para sa edukasyon ng mga mag-aaral.