Kilalang mapanlinlang ang hayop na si Pilandok. Bagaman hindi siya ang pinakamakapangyarihan at pinakamalakas na hayop sa gubat, lagi naman niyang naiisahan ang mga mababangis na hayop doon.
Isa sa mga naloko niya ay ang Baboy Ramo. Kakainin sana ng Baboy Ramo si Pilandok ngunit sinabi nitong may alam siya na mas makabubusog sa baboy. Iyon pala, dinala niya sa mangangaso ang baboy at nahuli ito. Nakatakas at nakauwi naman nang ligtas si Pilandok.
Naloko niya rin ang mabangis na si Buwaya. Akmang kakainin siya ni Buwaya na nasa lawa ngunit nalinlang siya ni Pilandok. Isa palang patpat at hindi si Pilandok ang nalunok ni Buwaya.
Ngunit ang tusong si Pilandok ay minsan ding naisahan. Sa kagustuhan ni Suso na matigil ang panloloko ni Pilandok, kinausap niya ang mga kapatid niya na linlangin naman ngayon si Pilandok.
Kumasa sa isang karera si Suso kalaban si Pilandok. Hindi inakala ni Pilandok na nakarating agad si Suso sa katapusan ng karera. Takang-taka siya dahil kilalang mabagal maglakad si Suso.
Ang hindi niya alam, nakaabang na ang kapatid ni Suso sa dulo ng karera. Hindi napansin ni Pilandok na ibang hayop pala ang nasa dulo dahil magkahawig talaga sila ni Suso. Simula noon ay nawala na ang kayabangan ni Pilandok at hindi na nanloloko ng ibang hayop sa gubat.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Natalo Rin Si Pilandok. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!