National Artists of the Philippines

inspirasyon ng henerasyon

Ang Philippine National Artist award o Gawad ng Pambansang Alagad ng Sining ay siyang pinakamataas na karangalan na ibinibigay sa mga alagad ng sining. Ito ay ibinibigay sa mga tao na mayroong namumukod tanging talento at kontribusyon sa larangan ng pelikula, teatro, visual arts, literature, arkitektura, broadcast arts, sayaw at musika.

Ang parangal na ito ay iginagawad ng pamahalaan kada tatlong taon sa mga lehitimong Filipino lamang. Kadalasan itong ginaganap sa buwan ng Hunyo. Ang naturang parangal ay pinapangasiwaan ng dalawang institusyon ng bansa – ang National Commission for Culture and Arts at ng Cultural Center of the Philippines.

Mula sa dating pagbibigay karangalan lamang sa mga alagad ng sining, ito ay itinaas at ginawang isang Gawad Pambansang Karangalan. Ito ay naisabatas sa ilalim ng Proclamation No.1001 at naisakatuparan noong April 27,1972. Ang pintor na si Fernando Amorsolo ang kauna-unahang Filipino na pinagkalooban ng nasabing karangalan.

Layunin ng batas na ito na bigyan ng papuri, pag-galang at pambansang karangalan ang mga natatanging alagad ng sining na nag-ambag ng kanilang mga talento upang mas lalo pang umunlad at malinang ang pamanang sining ng bansa. Sila ang mga natatanging Filipino na nagsisilbing institusyon at haligi sa larangan ng industriya ng sining na kanilang kinabibilangan.

Paano pinipili ang mga National Artist


Anim na buwan ang ginugugol ng National Commission for Culture and Arts at ng Cultural Center of the Philippines upang piliin ang mga natatanging alagad ng sining ng bansa.

Ang komite ay binubuo ng mga batikan at mga beteranong alagad ng sining na iniluklok sa puwesto ng pamahalaan. Mayroon din mga miyembro mula sa akademiya at sa iba pang sangay ng gobyerno.

Sila ang mga naatasang magsusuri at magsaliksik tungkol sa mga kontribusyon at kahalagahan na inambag ng isang nominadong alagad ng sining.

Masusi at detalyado ang bawat hakbang na ginagawa upang piliin ang natatanging bibigyan ng gawad karangalan.

Bago isa-publiko ang pangalan ng mga pararangalan, ito ay isinusumite muna sa opisina ng pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ang opisina ng mahal na presidente ang nagbibigay ng kompirmasyon at huling desisyon kung sino ang karapat-dapat na maging National Artist.

Ano ang mga benepisyo na matatanggap ng isang National Artist

  • National Artist na titulo
  • Buwanang allowance na hindi bababa sa P50,000
  • Gold plated na medalyon galing sa Bangko Sentral ng Pilipinas
  • Life Insurance Policy coverage
  • Pera na nagkakahalaga ng P100,000
  • Medical and hospitalization benefits na hindi sosobra sa P750,000
  • State funeral na pangangasiwaan at babayaran ng estado
  • Pagbibigay galang at pauri tuwing mayroong mga espesyal na okasyon
  • Pagbibigay ng pera na P75,000 para sa mga pamilya ng yumao ng National Artist.

Pagbibigay parangal sa mga pumanaw na National Artists


Bukod sa mga buhay na alagad ng sining, ang mga pumanaw na sa buhay ay nabibigyan pa rin ng pagkakataaon upang maging nominado at mabigyan ng National Artist Award. Ito ay bilang pag-gunita sa kanilang mga likha, talento at mga obra maestro kahit sila ay wala na. Ang kanilang mga pamilya o naiwang heridera ang siyang maaatasang tatanggap ng kanilang parangal, maging ng pera na ibibigay ng pamahalaan.

Halimbawa ng mga nakatanggap nito ay ang yumaong hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. at ang comedy king na si Rodolfo Quizon o mas kilala sa pangalan na Dolphy.

Talagang bukod tangi at walang kapares na karangalan ang dulot na hatid ng isang National Artist Award. Isang karangalan na hindi lamang matatamasa ng isang alagad ng sining habang siya ay buhay pa, ngunit maging hanggang sa kabilang buhay.

Mawala man ang kanilang katawang lupa, ang kanilang haligi na minsan nilang itinayo sa larangan ng kanilang industriya ay habang-buhay na magiging ala-ala at bantayog ng bawat mamamayan sa anumang salinlahi ng henerasyon. Tunay na sila ay natatanging pambansang alagad.

We hope that you enjoyed this publication about the facts and trivia of The Order of National Artists of the Philippines.