Negatibong epekto ng paggamit ng discussion forum at chat?

Katanungan

negatibong epekto ng paggamit ng discussion forum at chat?

Sagot verified answer sagot

Ang mga negatibong epekto ng paggamit ng discussion forum at chat ay nagsasanhi ito ng adiksyon, nag-uugat sa bullying, at nagiging plataporma upang maipakalat ang mga hindi makatotohanang impormasyon o balita.

Ang discussion forum ay isang uri ng board na nagbibigay pahintulot sa bawat miyempro ng grupo na makibahagi sa pamamagitan ng pag-iiwan ng kani-kanyang mensahe o katanungan.

Samantala ang chat naman ay isang aspeto na maaaring pasukin ninuman upang makibahagi sa grupo. Ang mga ito ay patok na patok higit na sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon dahil naglipana ang iba’t ibang Facebook Group at Group chats na maaari nilang lahukan.

Kaya naman sa kabila ng mabuting dulot nito ay nakaaalarma rin ang mga negatibo dahil maaari itong magamit upang makapanakit o makasira ng sarili at ng kapwa.